Thursday, October 30, 2008

tulang dulot ng matagal na paghiga at pangungulila

.
kung paanong tinalo mo ang buwan at mga tala sa langit ko ay gayunding pinawi mo ang mga ulan na labis na nagpapalungkot

iyong mga titig, yaong mga titig na hindi ko naibabalik, kung paanong ako'y nawawala sa mga pagkakataong binibigay mo 'yun, natutunaw, ay gayunding ako'y natatangay sa mga sandaling naalala ko 'yun

iyong mga ngiti, na hindi kailanman maipipinta kahit na ng mga pinakamagagandang kulay o kahit na ng pinakamatitingkad, ay siyang pumapalit sa araw, maliwanag, nakaliliyo ngunit hindi masangsang, hindi nakababagot

iyong mga halik, na di mapapantayan ng kahit na anong inuming matamis, kahit na iyong nasa bote na nakalalasing, nakapagpapalimot

hamak lamang ang naliligayahan sa mga bagay na iyon, kung gayon ako'y hamak, hamak na lubos, nilalang para mag-isip ng mga bagay na iyo, ikaw at ang pagnanais na muling makasama ka. ikaw lamang. wala ng ibang hihingin pa

1 comment:

eongrey said...

hmmm.....mushy. ano ba tagalog ng mushy, ha? hamak? ahaha. ahw inda ka....salamat sa poem...ahaha.. nagpasalamat daw ba? hmmm...sabi mo eh.... uh....ano daw?