Thursday, June 12, 2008

dit ditditdit didit dit di diditditdit di ditdi


kung ikaw ay isang kasalanan di bale na.
ako'y muling magsusugal.
hindi na mag-iisip.
kung ang tama ay katumbas ng paglayo sa'yo,
di bale nang maging mali ako sa mahabang panahon.
kung wala na akong ginagawang tama, di bale na.
masaya akong andyan ka.
alam kong masaya ka din dahil di kita iniwan.
masaya na ako sa maliliit na tagpong tampok ang marami mong tuwa at tawa.
masaya na ako makipagtaguan sa teacher ko habang tumtyempo sa pagbasa ng txt mo.
wala nang iba.
wala akong hihinging kapalit.
wala akong pagsisisihan.
at para sa mga ngiti mo,
titig na kailanman ay hindi ko naibabalik,
sa maraming mga bagay na ninakaw mo,
at pagmamahal na hindi ko inaasahang maibabalik,
di bale na. hindi bale na.
pipiliin kong maging makasalanan.
mananatili sa kamalian.
hanggat may bilog na buwan,
at nakakatuwang mga ulap sa himpapawid,
mamahalin kita,
mamahalin at patuloy na mamahalin.
isa kang magandang kasalanan.

Sunday, June 1, 2008

fleeting silence.vagueness.assumption.lies.idiosyncrasy.treason to the norms.naiveness.jealousy.cowardness.treason.
.
SINS I'M PAYING FOR THE LAST 72 HOURS OF MY LIFE.